^

PSN Showbiz

Heart pahinga muna sa serye!

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Heart pahinga muna sa serye!

Haharapin muna ang pagpipinta

Hindi muna gagawa ng teleserye si Heart Evangelista this year.

Sa endorsement and painting raw muna ang magi­ging concentration ng actress bukod pa sa paggawa ng baby na hindi nga niya nabigyan ng time noong may teleserye siya.

Maraming endorsement na naka-line up for Heart this year na ang isa sa lalabas ay sa alahas at isang kape. Meron pa raw mga susunod.

Next month ay magkakaroon din siya ng exhibit sa Ayala Museum, March 23, pero ang big exhibit daw ay next year pa.

So, chill, chill muna si Heart.

Napamura nang makita si Carlo ‘HAYOP KA’ - Angelica

Nagbigay ng nakakatuwang introduction at nagsilbing celebrity muse ang Hugot Queen na si Angelica Panganiban sa bagong librong Para Kay Ex, isang guide sa paglimot ng mga nasawi sa pag-ibig mula sa ABS-CBN Publishing na isinulat ng pseudo writer na si Beau Ang.

“Salamat at may librong katulad nito na binibigyan ka ng kalayaan para maglabas ng emosyon. Palaging nakakaligtaan ‘yung reason kung bakit mo ginagawa ‘yun—dahil nasaktan ka, nagalit, nalungkot, umiyak, nagtanong. Itong librong ito ang nagbigay sa akin ng kalayaan para magalit at matanggap ‘yung sakit na nararamdaman ko,” pagbabahagi ng Banana Sundae star sa foreword ng aklat.

Tampok sa makukulay na pahina ng bagong libro ang mga nakakatawang paghayag ng damdamin, biro, at gawain na nagbabahagi ng emosyon dulot ng ex-bes, ex-boss, ex-jowa, at muntik nang maging ex.

Bukod sa pagbabahagi ng kanyang opinyon, nagsilbi rin ang bida ng Ang Dalawang Mrs. Reyes bilang muse ng libro sa kanyang iba’t ibang litrato na bahagi ng hugot lines na tampok sa mga pahina nito.

Handog ng libro ni Beau Ang sa mambabasa ang pagkakataong makapagluksa, makapaglabas ng pait na nararamdaman, at mahilom ang mga sugat gamit ang mga nakatutuwang suhestiyon nito. Naniniwala rin siya na madalas, ang pinakamagulong lugar na kalagyan ay ang sariling utak.

Aniya, “Para naman ma-exercise ang utak mong matagal na nagpahinga, simula nung nagmahal ka. Ito ang activity book na pupukaw sa damdamin mong nahihilo, nalilito, at magdadala sa’yo sa katotohanan na oo nga pala hindi naman pala kayo. Pinaglaruan ka niya noon, pwes ikaw na ang maglalaro ngayon!”        

Mabibili na ang Para Kay Ex sa lahat ng National Bookstore outlets nationwide sa halagang P195.

Dumalo nga pala ang isa sa mga naging ex ni Angelica na si Carlo Aquino at ang nasabi lang niya ‘hayop ka’ nang makita niya ito sa book launching.

vuukle comment

HEART EVANGELISTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with