^

PSN Showbiz

Kasalang John Lloyd at Ellen, ano ba talaga?

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon
Kasalang John Lloyd at Ellen, ano ba talaga?

Alam mo, Salve A., hindi pa rin malinaw hanggang ngayon kung may nangyari ngang wedding (civil o church wedding) sa pagitan ng controversial couple na sina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna dahil wala pa ring makapagkumpirma kung nangyari nga ito noong February 15 tulad ng espekulasyon ng iba.

Tila na-burn out si John Lloyd sa trabaho bilang actor kaya sobra siyang bumabawi ngayon sa pamamasyal sa kung saan-saan at pagre-relax kasama ang kanyang lady-love na para bang ngayon lamang siya nagkaroon ng oras.

Kilala si John Lloyd sa pagiging dedicated sa kan­yang trabaho since he was young kaya ngayon la­mang siya bumabawi para sa kanyang sarili at sa taong mahal niya.

Carlo aligagang masungkit uli ang puso ni Angelica!

Hala! Mukhang nag-e-effort ngayon ang ex-boyfriend ni Angelica Panganiban na si Carlo Aquino na ma-win back ang dating kasintahan. Bukod sa pagpapadala nito ng flowers kay Angelica nung Valentine’s Day, sinorpresa ng actor si Angelica sa book launching ng Para kay Ex na isinulat ni Beau Ang kung saan si Angelica ang nagsulat ng foreword ng libro. Nagbigay ang aktor ng bulaklak sa “hugot queen” actress.

Kung nakapuntos si Carlo kay Angelica nang ito’y padalhan ng actor ng bulaklak last Valentine’s Day, panibagong points na naman ang na-score ng actor sa book launch.

Mukhang aligaga ngayon si Carlo na masungkit muli ang puso ni Angelica dahil pareho na silang unattached.

Ang maganda kina Angelica at Carlo ay nanatili silang magkaibigan even after their break-up noong sila’y teens pa.

JM excited na sa Tadhana nila ni Angge

Bukod kay Carlo Aquino, ang isa pang naging kaibigan ng aktres ay ang come backing actor na si JM de Guzman na nakapareha ni Angelica sa 2014 hit indie movie na That Thing Called Tadhana na idinirek ni Antoinette Jadaone.

Kahit dalawang beses na-derail ang showbiz career ni JM dahil sa dalawang beses niyang pagkaka-rehab, nanatili ang pagkakaibigan nila ni Angelica. Ngayong aktibong uli si JM, masaya ang kaibigan nitong si Angelica na minsan ay nakakasama niyang lumabas with other friends.

Looking forward pareho sina Angelica at JM sa part 2 ng That Thing Called Tadhana.

Fans nina Alden at Maine pinaghahanda

Kahit wala pang follow-up project ang pheno­menal pair nina Alden Richards at Maine Mendoza, masaya ang kanilang mga tagahanga kapag nakikita nilang magkasama ang dalawa sa bagong segment ng Eat Bulaga na ACTually.

Samantala, kailangan ding maging handa ang mga tagasuporta ng tambalan nina Alden at Maine na panahon na rin siguro na ipareha sila sa iba o ‘di kaya bigyan ng magkahiwalay na project for them to grow as individual performers. 

Dapat ding maunawaan ng kanilang followers na magkaiba rin ang nagha-handle sa respective careers ng dalawa. Si Alden ay nasa pangangalaga ng GMA Artist Center habang si Maine naman ay sa management ng Triple A Manage­ment ni G. Tony Tuviera na siya ring big boss ng TAPE, Inc. na siyang producer ng longest-running noontime na Eat Bulaga at APT Entertainment, isang film outfit.

Pero hindi siguro maiiwasan na hindi “mag-aklas” ang fans ng dalawa kapag ma-link sa ibang guy si Maine at sa ibang girls si Alden. Pero by now ay dapat naiintindihan nila ang naging laman ng open letter ni Maine sa kanyang Instragram account last November address to the fans na magkaibigan at magka-loveteam lamang sila ni Alden.

KZ hindi natinag sa China kahit last minute pinalitan ang kanta

Masaya ang mga kababa­yan ng singer na si KZ Tandi­ngan na pasok ito sa Top 4 sa kabila na last minute pinalitan ang kanyang song at arrangement last Friday, February 23 sa kanyang ikatlong performance sa sinusubaybayang No. 1 show sa China na Singer 2018.

Kinanta ni KZ ang Say Something ni Christina Agui­lera which put her sa over-all 4th spot.

Kung kilala ang China sa pa­giging nationalistic laluna sa kanyang homegrown ta­lents pero dahil sa Singer 2018 si­nging competition na bukas sa ibang bansa, unti-unting nakiki­lala ang talent ng mga Pinoy sa larangan ng pagkanta sa pamamagitan ni KZ.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with