^

Metro

Libreng birth at marriage certificates kaloob ng Makati

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

Selebrasyon ng Civil Registry Month

 MANILA, Philippines — Magbibigay ng libreng mga civil documents tulad ng live birth at marriage certificates ang pamahalaang lungsod ng Makati umpisa ngayong Lunes (Pebrero 26) sa lahat ng residente ng lungsod bilang bahagi sa isasagawang selebrasyon ng Civil Registry Month ngayong Pebrero.

 Ito ay base sa ipinasang City Ordinance No. 2017-023 na nagsususpinde sa koleksyon ng bayad sa lahat ng kukuha ng “certified true copies” ng birth, marriage, death certicates, at certificate of no record on file’ tuwing iseselebra ang Civil Registry Month. Ngayong taon, uumpisahan ang pagbibigay ng libreng dokumento sa Pebrero 26-28.

 “Hinihikayat ko po ang lahat ng “Makatizens” at maging hindi residente pero ipinanganak o ikinasal sa Makati, na samantalahin ang libreng serbisyo.  Lahat ng may kaanak na namatay din sa Makati ay maaari ring makakuha ng libreng kopya ng death certificate ng kanilang yumaong minamahal,” ani Mayor Abby Binay.

 Nilinaw naman ng Civil Registry Office (CRO) na isang kopya lamang ng isang civil document ang libre habang ang iba pa nilang nais kunin na dokumento ay may bayad na.  Mailalabas ang dokumento sa loob ng tatlong araw na may pasok matapos ang pagsusumite ng aplikasyon.

 Sa kasalukuyan, sumi­singil ang CRO ng P104 kada isang dokumento at P154 naman para sa mga “rushed release”.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with