^

Metro

Sunog sumiklab: 5 sugatan

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

Sa naiwang kandila

MANILA, Philippines — Lima katao ang nasugatan sa isang sunog na sumiklab sa isang residential area sa Brgy. Pansol, Quezon City kahapon ng madaling araw.

Sa ulat, sinasabing naiwang nakasinding kandila ang dahilan ng sunog na nagsimula dakong alas-12:20 ng madaling araw.

Itinaas lamang sa unang alarma ang sunog na agad namang naapula bago mag-ala-1:00 ng madaling araw.

Ayon kay Senior Fire Officer 2 Rolando Valeña ng Quezon City Fire Department, walang kuryente sa lugar kaya nagsindi ng kandila ang may-ari ng bahay na si Rolando Ramiscal sa ikatlong palapag nito. 

Pansamantala umanong umalis si Ramiscal at iniwang nakasindi ang kandila pero pagbalik nito ay nasusunog na ang kanilang tahanan.

Dahil sa insidente,  pare-parehong nagtamo ng second degree burn si Ramiscal at kanyang dalawang anak habang first degree burn naman ang tinamo ng dalawang kapitbahay nito, na hindi na pinangalanan.

Mabilis na kumalat ang apoy dahil gawa lamang ang bahay sa light materials.

Tinatayang aabot sa P50,000 ang kabuuang pinsala dahil sa sunog.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with