Pagdawit kay Go propaganda lang
MANILA, Philippines — Tinawag na propaganda ng ilang political analyst ang pagdadawit kay Special Assistant to the President Bong Go sa Frigate deal ng Philippine Navy.
Sinabi ni Professor Ramon Casiple na nabigyan ng ibang anggulo ang isyu at nalaro ng media at nagtataka siya sa timing.
Kaugnay nito, sinabi ni Casiple na parang nakakaamoy siya na mayroong paggalaw na nangyayari mula sa mga kritiko ng administrasyon na sinamantala ang isyu.
Naniniwala naman ang analyst na si Professor Ranjit Rye na ang isyu ng fake news o pagpapakalat ng disinformation ay matagal nang nangyayari sa iba’t ibang paraan tulad ng internet na maituturing na massive hightech platform na kayang magpakalat ng fake news nang napakabilis.
Binigyang diin ni Rye na malaki ang epekto ng disinformation sa ekonomiya at sa mamamayan na nabibigyan ng maling impormasyon kung saan nakabase ang kanilang pagtugon.
Related video:
- Latest