^

Metro

Taguba pinalilipat na ng korte sa PNP Custodial Center

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinalilipat na ng Manila Regional Trial Court si Customs broker Mark Ruben Taguba II sa pangangalaga ng Philippine National Police (PNP) Custodial Center.

Sa katatapos na pagdinig, pinayagan ni Manila Regional Trial Court Judge Rainelda Estacio-Montesa  ng Branch 46 na mailipat si Taguba ng piitan dahil sa usapin ng seguridad.

Una nang inutos ng korte na sa Manila City Jail ikulong si Taguba subalit naghain ito ng motion bunsod ng banta sa seguridad nito.

Hindi rin naisalang sa pag­basa ng sakdal kahapon  si Taguba at ang negosyan­teng si Eirene Mae Tatad ngunit muling itinakda ang kanilang arraignment sa Abril 6.

Nabatid na mayroong na-kabinbing motion to quash  ang dalawa na naglalayong ibasura ang kinakaharap nilang kaso.

Si Tatad, na dinakip ng mga awtoridad ay nakukulong sa Manila City Jail  dahil sa paglabag sa Republic Act 9165 o mas kilala bilang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, particular ang probisyon na may kaugnay  specifically for importing dangerous drugs.

Sina Taguba at Tatad ay kabilang sa mga akusado sa kontrobersiyal na P6.4-B shabu shipment sa Bureau of Customs na galing sa China. 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with