^

Metro

Modernong jeepneys, bibiyahe na sa Abril

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Bibiyahe na sa mga lansangan sa Metro Manila at ilang mga lalawigan sa buwan ng Abril ang may 500 mga bagong jeepneys  tugma sa ipapatupad na modernization program ng pamahalaan, ayon sa Department of Transportation (DOTr).

Ayon kay DOTr Undersecretary Tim Orbos, malapit nang masubukan ng riding public ang mga modernong jeepney sa iba’t ibang  lugar maging sa mga developmental routes na pinag-aralan ng DOTr.

Bukod sa Metro Manila, iintroduce na rin ito sa ilang lalawigan tulad ng Mindoro, Nueva Ecija, Tacloban City at Iloilo.

Nais umano ng DOTr na masubukan na ito ng publiko at maikumpara ito sa mga lumang jeepney.

Idinagdag pa ni Orbos na karamihan sa mga bagong units ay makakakuha ng prangkisa sa ilalim ng tinatawag na “dropping and substitution” scheme kung saan ipapalit ito sa mga dating franchise holders.

Wala umanong “standard look” sa mga bagong jeepneys, gayunman kailangang matugunan ng mga operators ang specifi­cations, kinakailangan na nasa ilalim ng modernization program. Kabilang dito ang engines na aangkop sa Euro 4 emission standards, 22 –seating capacity at side door.

Related video:

vuukle comment

JEEPNEYS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with