^

Metro

Quiapo blast hindi terror attack – Bato

Joy Cantos, Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Quiapo blast hindi terror attack � Bato
Sinusuri ng mga tauhan ng Scene of the Crime Operations ang pinangyarihan ng pagsabog sa kahabaan ng Quezon Blvd may ilang metro lamang ang layo sa Quiapo Church sa Maynila.
Joven Cagande

Itinaon sa ASEAN summit opening...

MANILA, Philippines -  It’s not a terror attack!

Ito ang inihayag ni Philippine National Police (PNP) Chief P/Director General Ronald “Bato’ dela Rosa na pinawi ang pangamba na ‘terror attack’ laban sa idinaraos na ika-30th Association of Southeast Asian (ASEAN) Summit ang nangyaring pagpapasabog sa Quezon Boulevard malapit sa Quaipo Church kung saan aabot sa 14-katao ang nasugatan noong Biyernes ng gabi.

Sina dela Rosa, National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief P/Director Oscar Albayalde at iba pang opisyal ay personal na nag-inspeksyon sa ‘blast site’ noong Biyernes ng gabi. 

Ayon naman kay Alba­yalde sa kasalukuyan ay gang war ang sinisilip na anggulo sa motibo ng pagpapasabog kung saan sa pinakahuling update kahapon ng umaga ay naitala na sa 14-katao ang nasugatan kabilang ang dalawang malubhang nasugatan.

Nabaitd na anim naman ang nakauwi na matapos na lapatan ng pangunahing lunas habang walo pa ang patuloy na ginagamot kabilang dito ang dalawang nasa  seryosong kalagayan.

Ayon kay SPO3 Dennis Insierto ng District Police Intelligence Operations Unit, dalawa ang isinugod sa Philippine General Hospital na sina Ramon Carious, 46, ng Recto Avenue, Quiapo, Maynila; at Rolando Gubat, 45, ng Castillejos, Quiapo, Maynila.

Isa naman ang dinala sa Mary Chiles Hospital na si Pepito Enriquez, 44, ng Obando, Bulacan habang isinugod sa Jose Reyes Memorial Medical Center sina Migine Lopez ng Tanza, Cavite; Mayvelyn Olipas, 19, ng Barangay Tayog, Carriedo, Pangasinan; Alvin Michael Vallila, 20, ng CM Recto Ave., Quiapo, Maynila; Clarissa Macaspac, 24, ng San Pedro Saog, Lubao, Pampanga; Amado Flores, 37, ng Sta. Cruz, Laguna; Patrick Bagnes Y, 26, ng Lopez St., Villas Espanya Subdivision, Araneta Avenue, Quezon City; Reynaldo Cabanilla, 28, ng Bautista, Pangasinan; Ruiz Convicto Jr., 32, ng Ayala Blvd., Ermita, Maynila; at si Wilfredo Tomagan, 22, ng Quezon Blvd., Quiapo, Maynila.

Samantala, si Mariano Genabel  ay dinala sa Manila Doctor Hospital.

Bandang alas – 10:50 ng gabi nang sumabog ang improvised pipe bomb sa kahabaan ng Quezon Bou­levard sa panulukan ng Soler Street Extension na ikinagulantang ng mga tao.

Sa inisyal na imbestigasyon, pinaniniwalaang ama ng isang  binatilyo ang may kagagawan ng pagpapasabog dahil nagbanta ito na pasasabugin niya ang nasa­bing lugar kapag hindi sumipot ang mag-utol na Kahulugan na gumulpi sa kanyang anak noong Miyerkules (Abril 26).

“The explosion injured 14 persons, it  was caused by an improvised pipe bomb. Initially, we gathered that this started w/ the mauling of a minor by 3 individuals. The pipe bomb came as a revenge to the three,” pahayag ni Albayalde.

Sinabi rin ni Albayalde na walang kinalaman sa pagdaraos ng ASEAN Summit sa Philippine International Convention Center (PICC) ang pagpapasabog.

“I assure that the region is safe and secured for our local and international dele­gates. Security measures are in place,” dagdag pa ni Albayalde.

Sa kasalukuyan, ayon sa mga opisyal ay nirerebisa na ng mga imbestigador ang CCTV camera footage habang patuloy ang masu­sing imbestigasyon.    Dagdag ulat nina Angie dela Cruz at Lordeth Bonilla

vuukle comment

BATO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with