^

Metro

7 utas, 169 arestado sa police operations

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pito ang napatay habang nasa 169 katao ang naaresto sa isinagawang ‘‘One Time Big Time opera­tions’’ ng Manila Police District (MPD), bago ang pagsisimula ng Association of Southeast Asian Nation (ASEAN) Summit na ginaganap sa Philippine International Convention Center (PICC) sa Pasay City.

Kahapon ng umaga nang iprisinta ni MPD Director Chief Supt. Joel Napoleon Coronel  kay NCRPO director Oscar Albayalde ang nasa 169 kataong dinampot.

Sinabi ni Coronel na 61 police operation ang isi­na­­gawa bilang bahagi sa paghahanda sa  ASEAN Summit security.

Pitong suspek ang nan-la­ban naman at napatay sa gitna sa magkakahiwalay na araw ng police operations.

Ang mga binitbit sa pre­sinto ay pawang may paglabag sa Republic Act 9165 (Dangerous Drugs Act of 2002), RA 1059(Comprehensive Fire and Ammunition Regulation Act), Presidential Decree 1601 (illegal gambling), Theft, Robbery, Omnibus Election Code at City Ordinances kaugnay sa pag-inom ng alak sa kalye, resisting arrest, breach of peace, half naked.

Sa nasabing bilang, 5 ang naaresto na nasa talaan ng Most Wanted Person ng Pandacan Police na kinabibilangan ng top 2 most wanted na si Arvin Joe Real alyas Arvin Joe Gumban at alyas Balong na may kasong murder.

Nakumpiska sa mga   ope­rasyon ang mga shabu,  marijuana, video karera machines, mga baril, mga  patalim.

Ayon naman kay Alba-yalde, hindi lamang dahil sa ginaganap na ASEAN Summit ang pinaigting na operasyon, kundi tuluy-tuloy ito para sa mas mabisang pagbibigay ng proteksiyon sa publiko at mapanatili ang peace and order.

Samantala, naging mainit naman ang naging eksena matapos ang formation ng mga pulis  sa MPD headquarters sa pagitan ni P/Supt. Redentor Ulsano, hepe ng District Investigation and Detection Management (DIDM) at PO3 Eduardo Molato, nakatalaga sa District Special Operations Unit (DSOU).

Nagbabala  umano ni Ulsano na pito lamang na personnel bawat linya at pinagbantaan na susuntukin niya ang sosobra sa pito subalit dahil hindi umano sumunod si Molato kaya sinikmuraan niya ito. Dahilan pala ay na-late ito sa pagdating at hindi narinig ang babala.

Nang matapos ang formation ay kinausap ni Molato si Ulsano sa lobby ng headquarters dahil sa pagkakapahiya gayung  ‘‘antigo’’ na siya sa serbisyo at malapit nang magretiro.

Nauwi sa mainitang pagtatalo na kamuntik nang mauwi sa suntukan at maiinit na salita.

Nagbanta pa umano si Ulsano na kung hindi manghihingi ng ‘‘sorry’’ si Molato ay ipalilipat niya ito ng destinasyon.

vuukle comment

MPD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with