^

Metro

Supplier ng shabu na mula sa Bilibid, arestado

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Isa umanong supplier ng shabu na nagmumula sa New Bilibid Prison (NBP) ang nadakip ng operatiba ng Southern­ Police District (SPD) sa isang buy-bust operation, kamakalawa ng gabi sa Taguig City.

Sa report na natanggap ni SPD director, Chief Supt. Tomas Apolinario Jr., kinilala ang nadakip na suspect na si Wilfredo Santos, 51, sinasabing kaanak ng “high profile inmate” sa Bilibid na si Ricardo Camata. 

Lumalabas sa imbestigas­yon, alas-8:00 ng gabi nang magsagawa ng buy-bust ope­ration ang operatiba ng SPD sa Brgy. Ususan, Taguig City.

Isang pulis ang nagpanggap na bibili ng shabu kay Wil­fredo, na nagkakahalaga ng P1,000.

Matapos magkaabutan ng droga at pera, dito na dinakip ng mga pulis si Wilfredo at nakumpiska rito ang tatlong plastic sachet na naglalaman ng shabu, na nagkakahalaga ng P302,000.

Bukod sa naturang droga, nakumpiska rin sa suspect ang isang NBP visitors pass na nakapangalan sa misis nito na si Janet Santos, pinsan ni Camata, mga bank deposit slips, na may kabuung hala­gang P1 milyon.

Ayon sa pulisya, may hinala­ sila na ang shabu na sinu-supply ni Santos sa area ng Taguig City ay posibleng nagmumula sa NBP. 

Iimbestigahan ng SPD ang mga pangalan na nasa lista­hang nakuha mula sa suspect.

vuukle comment

NBP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with