^

Metro

Pulis patay sa heat stroke

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pasimula pa lamang ang matindng init ngayong summer ay umiskor na ito ng buhay ng isang miyembro ng Manila Police District (MPD) na sinasabing inatake ng heat stroke, habang nasa Lawton Police Community Precinct (PCP) sa Ermita, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Idineklarang dead-on-arrival sa kalapit na Medical Center Manila (MCM) si PO3 Leo Marcelo, 37, at tubong Ka­linga,  Apayao.

Sa ulat ni SPO2 John Charles Duran ng Manila Police District-Homicide Section, bandang alas-2:30 ng madaling  araw nang atakehin ng pani­nikip ng dibdib ang biktima habang nakaupo sa bench ng PCP.

Nang mga oras na iyon ay kasama ng biktima si PO1 Lorren Hope Lardizabal kaya napansin siyang umaangal       sa paninikip ng dibdib.

Sinabihan ni Lardizabal ang biktima na mas mabuting magpakonsulta sa doktor, na sa halip na magtungo sa ospi­tal ay nagtungo na lamang umano sa tindahan at bumili ng bottled water.

Maging ang vendor na nag­benta ng tubig ay sinabihan din ng biktima na masakit at naninikip ang kaniyang dibdib.

Nakita pang nakaupo sa cooler ang biktima na umiinom ng biniling tubig hanggang sa biglang bumagsak ito ng walang malay.

Mabilis namang sumaklolo si Lardizabal at isinakay sa mobile car para dalhin sa ospital.

Nabatid na kahit off duty    na ang biktima ay hindi ito umaalis sa PCP dahil wala namang matuluyan sa May­nila.

 

vuukle comment

MPD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with