^

Metro

2 paslit sugatan sa ligaw na bala

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Nasa malubhang kalagayan ngayon ang magka-patid na paslit na tinamaan ng ligaw na bala, habang nasa loob ng kanilang bahay, sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Isinugod sa Ospital ng Tondo ang mga biktimang sina Jazziel Torrente, 5,  dahil sa tatlong tama ng bala katawan, at Felix Torrente, 1,  na nagtamo ng dalawang tama ng bala ng baril sa likod. Kapwa residente ng 2952 Dagupan Extension, Tondo ang  mga biktima.

Sa ulat mula sa tanggapan ni P/Supt. Alex Daniel, hepe ng Manila Police District-Station 7, dakong alas 8:10 ng gabi nang biglang mag-iyakan ang magkapatid sa gitna ng kanilang pagla-laro sa loob ng bahay.

Sinabi ng inang si Joyce Mondares , nagtaka siya kung bakit nag-iyakan ang dalawa kasunod ng narinig na mga putok ng baril.

Dito niya nakitang duguan ang dalawa kaya nagpasaklolo sa mga kapitbahay para isugod sa pagamutan.

Nakuha ng mga pulis ang walong basyo ng bala ng 9mm kalibre ng baril.

Patuloy pang inaalam  kung sino ang posibleng nagpa­pu- tok ng baril na katabi o mala- pit sa bahay ng mga biktima.

Isasailalim din sa cross matching ang narekober na mga bala para matunton ang suspek.

Sa pinakahuling impormasyon, ipinalipat na umano sa Sta. Ana Hospital ang 5-taong gulang dahil sa mas kumpletong pasilidad at ang sanggol naman ay ipinalipat din sa pribadong pagamutan sa Ermita.

Nabatid na isang driver lamang ang ama ng mga biktima at walang trabaho ang ina na nagbabantay sa kanila.

vuukle comment

BALA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with