Brgy. chairman na aktibo sa ‘tokhang’, binoga, sugatan
MANILA, Philippines - Sugatan ang isang barangay chairman matapos barilin habang abala sa pangangasiwa ng kapis-tahan sa kanilang lugar sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng hapon.
Nasa ligtas na kalaga-yan na sa Tondo Medical Center sanhi ng tinamong tama ng bala sa pigi ang biktimang si William Ypon alyas Chengay, ng Brgy. 101, Katuparan, Vitas, Tondo.
Sa ulat ni P/ Supt. Ro-bert Domingo, hepe ng Manila Police District-Station 1, naganap ang insidente dakong alas-4:30 ng hapon kamakalawa sa pagitan ng Building 26 at 27 sa Vitas.
Abala umano ang biktima sa pangunguna sa aktibidad ng kasiyahan sa kanilang lugar, kasabay ng pakikipag-inuman sa mga constituent, nang bigla na lang may umagos na dugo pababa sa hita nito.
Nakarinig din ng pu-tok ang mga residente na inakalang bunga lamang ng tunog ng firecracker.
May hinala ang mga awtoridad na posibleng sinamantala ang kapis-tahan sa lugar ng suspek na maaaring nagalit sa biktima dahil sa impormasyong nakipag-ugnayan ito sa mga pulis para isailalim sa ‘‘Oplan Tokhang’’ ang kaniyang nasasakupan na dawit sa droga.
Ilan umano sa mga kalugar ng biktima ang ki-nompronta nito na tigilan ang iligal na droga at hinikayat na sumuko sa ‘‘Oplan Tokhang’’ para sa pagbabago.
- Latest