^

Metro

Sa Parañaque Traders na hindi magrerehistro ng negosyo, binalaan

Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Mariing pinaalalahanan ng pamahalaang lungsod ng Parañaque na mahaharap sa kasong kriminal ang sinumang negosyanteng hindi irerehistro ang kanilang negosyo.

Kaugnay nito bubuksan ngayong weekend ang tanggapan ng Business Permit and Licensing Office (BPLO) sa lungsod ng Parañaque upang ma-accommodate ang libu-libong taxpayers.

Ayon kay Parañaque City Mayor Edwin Olivarez, dahil sa inilunsad nilang “paperless scheme”, madali na para sa mga business owners na mag-renew ng permit dahil hindi na aniya sila kailangan pang mag-fill-up ng application.

 Ang tanggapan ng BPLO ay matatagpuan sa unang palapag ng Parañaque City Hall at magbubukas ito ngayong  Sabado (Enero 14) at Linggo  (Enero 15), mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-12:00 ng tanghali.

Kung saan nagsimula ang renewal ng business permit ay noong Enero 3 at matatapos ito ng Enero 20 ng taong kasalukuyan, na walang itinakdang extension.

Sinbi ni Parañaque City Administrator Ding Soriano, na bukod sa 20 porsiyentong penalty, magdadagdag ng 2% na penalty sa bawat buwan na hindi inirehistro ang kanilang mga negosyo.

 Ayon kay Soriano, bagama’t ang hindi pagbabayad ng business tax ay hindi naman nangangahulugang illegal na ang negosyo, ngunit maaari naman itong gamitin bilang basehan ng kasong criminal at nagiging illegal umano ang mga negosyo kapag hindi nagbayad ng business permit.

vuukle comment

BUSINESS PERMIT AND LICENSING OFFICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with