^

Metro

P20-M ari-arian naabo sa sunog

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
P20-M ari-arian naabo sa sunog
Umabot s P20-milyong halaga ng ari-arian ang nilamon ng apoy sa naganap na sunog sa pabrika ng pintura sa Pasig City kahapon.
Joven Cagande

MANILA, Philippines – Tinatayang aabot sa P20 milyong halaga ng ari-arian ang tinupok ng apoy makaraang masunog ang pagawaan ng pintura sa Pasig City, kahapon ng madaling araw.

Sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa Pasig City, nabatid na dakong alas-2:42 ng madaling araw nang sumiklab ang apoy sa packaging area ng H-Chem Industries Incorporation na nasa F. Fasco Avenue sa Barangay Santolan.

Tumagal ng apat na oras ang sunog at umakyat sa ikalimang alarma bago tuluyang naapula ang apoy ng mga miyembro ng pamatay- sunog.

Nahirapan apulahin ang apoy dahil na rin sa naka-imbak na  mga kemikal na ginagamit sa pintura  at kinailangan pang gamitan ng fire retarded chemical bago tuluyang maapula ang sunog.

Dahil sa may mataas  na firewall ang pabrika ay hindi na kumalat pa sa mga katabing residential area ang apoy.

Wala namang naiulat na nasaktan at namatay sa naganap na sunog.

Sa ngayon ay inaalam pa ng mga arson investigators kung ano ang pinagmulan ng apoy na tumupok sa pagawaan ng pintura.

 

vuukle comment

PASIG CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with