^

Metro

2 dawit sa droga, itinumba

DIKLAP - Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
2 dawit sa droga, itinumba
Sa ulat na nakarating sa tanggapan ni Eastern Police District (EPD) director Chief Supt. Romulo Sapitula, nabatid na ang mga biktima ay nakilalang sina Jose Cruz, alyas Joey, 38, vendor, at Jay Dapat, kapwa residente ng Ciudad del Carmen sa Brgy. Rosario.
File photo

MANILA, Philippines – Patay ang dalawang lala­king kapwa hinihinalang sangkot sa aktibidad ng ilegal na droga nang pagbabarilin ng tatlong armadong lalaki sa kahimbingan ng kanilang pagtulog sa loob ng kanilang tahanan sa Brgy. Rosario, Pasig City, kahapon ng madaling araw.

Sa ulat na nakarating sa tanggapan ni Eastern Police District (EPD) director Chief Supt. Romulo Sapitula, nabatid na ang mga biktima ay nakilalang sina Jose Cruz, alyas Joey, 38, vendor, at Jay Dapat, kapwa residente ng Ciudad del Carmen sa Brgy. Rosario.

Mabilis namang tumakas ang tatlong di kilalang suspek matapos na makitang patay na ang kanilang mga target, bitbit ang mga armas na ginamit sa krimen.  Batay sa imbestigasyon ni SPO1 Ricardo Allapitan, ng Pasig City Police, nabatid na naganap ang pagpatay dakong alas-12:15 ng madaling araw habang mahimbing nang natutulog ang mga biktima sa kanilang kuwarto.

Bigla na lang umanong pumasok ang tatlong suspek at pinaulanan ng bala ang mga biktima bago tumakas.

Naniniwala naman ang mga awtoridad na may kina-laman sa ilegal na droga ang pagpatay matapos sabihin mismo ni Brgy. Councilor Nike Cruz, na ang mga biktima ay kabilang sa drug watchlist ng Brgy. na may kategoryang drug pusher at drug user.

vuukle comment

DAWIT SA DROGA

PASIG CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with