^

Metro

7-taon kulong, hatol ng Quezon City court sa derm clinic owner

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hinatulan ng Quezon City Regional Trial Court ng  pitong taong pagkakakulong ang may-ari ng isang dermatology clinic matapos mapatunayang lumabag sa Republic Act 8282 o Social Security Act of 1997 dahil sa kabiguan na magbayad ng halos P2 milyong kontribusyon sa Social Security System (SSS) para sa kanyang mga empleyado .

Bukod dito, pinagbabayad din ng korte ang akusadong si Joel C. Mendez, may-ari ng Weigh Less Center sa Farmer’s Plaza, Cubao para sa SSS ng halagang P1,865,657.50  na hindi nabayarang kontribusyon mula Oktubre 2011 hanggang Enero 2013 kasama na ang 3 percent interest para dito at dagdag na P15,000 multa dahil sa nagawang kasalanan.

Ayon sa rekord, inabisuhan na ng SSS ang kompanya na i-remit ng clinic sa SSS ang monthly contributions ng mga tauhan pero hindi ito tumalima. Ang billing statement ay tinanggap ni Genevieve C. Galicia, company manager ng clinic.

“Binigyan namin si Mendez ng pagkakataon dahil nagpakita siya ng intensyon na ayusin ang kanyang obli­gasyon sa labas ng korte. Ang kaso, hindi niya ito nagawa sa panahong ibinigay sa kanya. Kaya kahit na gusto namin siyang tulungan, may pangunahing responsibilidad kami na siguruhing bayad ang kontribusyon ng mga empleyado para makinabang sila sa mga benepisyo ng SSS,” pahayag ni SSS Assistant Vice President ng Operations Legal Department Renato Jacinto S. Cuisia.

Sinasabing si Mendez ay naglagak ng piyansang P24,000 para sa pansamantalang kalayaan pero hindi ito nagpakita sa korte at ang kanyang abogado kahit binigyan sila ng notice kayat kinumpiska ng korte ang  piyansa  nito at inisyuhan ng warrant of arrest.

Sinabi naman ni Atty. Louella Xylee T. Apilado, ang abogadong may hawak ng kaso, nabigo si Mendez na kontrahin ang mga ebidensyang inihain ng SSS kayat nahatulan ito ng korte na makulong.

 Mahigpit na pinapaalalahanan ang mga employer sa kanilang responsibilidad na ireport ng kanilang mga empleyado sa SSS at sa tamang oras ang kanilang mga kontribusyon.

vuukle comment

KULONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with