^

Metro

Trader huli sa marijuana

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Trader huli sa marijuana
Ang suspect na si Creasanto Dumacas at ang pananim niyang marijuana sa loob mismo ng kanyang bahay sa Antipolo City.
Joven Cagande

MANILA, Philippines – Isang negosyante ang inaresto ng mga awtoridad sa aktong nagbebenta ng marijuana sa Marikina City, kamalakawa ng gabi.

Ang suspek ay kinilalang si Creasanto ‘Chris’ Dumacas, ng Greenheights Subd. Bgry. Mayamot, Antipolo City.

Ayon sa report, dakong alas-9:30 ng gabi nang madakip ang suspek  sa loob ng isang kilalang food chain sa Bayan-bayanan Avenue,  Concepcion Uno, Marikina City na aktong nagbebenta ng pinatuyong dahon ng marijuana.

Isang tauhan ng Marikina police ang nagsilbing buyer ng marijuana sa halagang 1,500 at aktong iniaabot ng suspek nang siya ay posasan.

Ayon kay Sr. Supt. Lorenzo Holanday, hepe ng Marikina police, noong madakip nila ang suspek ay pilit itong pinaamin kung saan niya kinukuha ang kanyang ibinebentang marijuana hanggang aminin nito na sariling tanim niya sa Antipolo City ang kanyang produkto.

Nagsagawa ng follow-up operation ang pulisya sa tahanan ng suspek at doon nakita ang limang paso na may tanim na marijuana, na malalaki na kaya nila kinumpiska.

vuukle comment

MARIKINA CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with