^

Metro

Barangay chairman patay sa shootout

Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Patay ang isang acting barangay chairman na umano’y nasa drug watchlist matapos itong makipagbarilan sa mga pulis  habang nadakip naman ang isang miyembro ng ‘Commando Gang’ sa isang pagsalakay na isinagawa  kahapon ng madaling araw sa Caloocan City.

Dead-on-the-spot sanhi ng mga tama ng bala sa katawan si Nelson Nazareno, ng Brgy. 139 ng nasabing lungsod sanhi ng tinamong  ilang tama ng bala sa ibat-ibang bahagi ng katawan.

Habang nasa custody naman ng pulisya ang nadakip na si Felix Rambonanza alyas Jun Rambo.

Ayon sa report ng Caloocan City Police, alas-3:30 kahapon ng madaling nang magsagawa nang pagsalakay ang pinagsanib na puwersa ng Crimininal Investigation and Detective Management Group (CIDG), Northern Police District (NPD) at National Capital  Regional Police Office sa bahay ng suspect na si Nazareno sa Bagong Barrio ng naturang lungsod sa bisa ng search warrant na inisyu ni Judge Ma. Teresa Alvarez,  ng Caloocan City Regional Trial Court (RTC), Branch 131 dahil sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 (Comprehensive Fire Arms and Ammunition Regulation Act of 2013) laban kina Nazareno at isang Jefferson Medina.

Sa halip na sumuko ay nakipagbarilan sa mga pulis si Nazareno na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan.

Wala naman si Medina nang sumalakay ang mga pulis at si Rambonanza lamang ang naaresto.

Narekober ng mga pulis mula sa nasawing si Nazareno ang isang kalibre .45 baril at ilang plastic sachet ng shabu.

vuukle comment

KMJS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with