^

Metro

Ambush sa Caloocan: 3 patay

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tatlo katao, isa dito ay babae ang iniulat na nasawi makaraang ambusin ng apat na armadong kala-lakihan kahapon ng madaling araw sa lungsod ng Caloocan.

Patuloy na inaalam ng pulisya ang pagkakakilanlan sa mga nasawi makaraang walang makuhang  anumang dokumento sa mga ito.

Inilarawan ang mga nasawing nagmamaneho ng maroon Nissan Navarra Frontier (NUI 501) na naka­suot lamang ng boxer shorts, walang damit pang-itaas, nasa 30-35 anyos, at 5’7”-5’8” ang taas; ang babae na may edad 20-25 anyos, nasa 4’9”-5’0” taas, at nakasuot ng pulang jacket at dilaw na shorts; at isa pang lalaki na may edad 20-25 anyos, nasa 5’4”- 5’6”, at may suot na puting t-shirt.

Sa ulat, dakong alas-3 ng madaling araw nang pagbabarilin ng higit sa apat na salarin ang mga biktima nang makorner ang mga ito sa may Talipapa, Pili Street, Brgy. 178 Camarin, ng naturang lungsod. Ayon sa mga residente, gumanti umano ng putok ang mga sakay ng pick-up bago napaslang ang mga ito.

Ngunit palaisipan naman na walang armas na nakuha sa loob ng sasak-yan ng mga nasawi, walang anumang dokumento sa pagkatao ng mga biktima at kung bakit boxer shorts lang ang suot ng isa sa mga ito. Hinihinala na maaaring tinangay ng mga salarin ang armas at iba pang gamit ng mga biktima bago tuluyang tumakas.

Patuloy ang imbestigasyon ngayon ng pulisya sa insidente kabilang na ang pagtukoy kung kanino nakarehistro ang pick-up truck para makakuha ng lead sa pagkakakilanlan ng mga nasawi.

 

vuukle comment

JUDICIAL KILLINGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with