^

Metro

Paggiba sa Fabella patuloy na tinututulan

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tiniyak ng mga empleyado ng Fabella Hospital na hindi sila titigil sa panawagan at pagmamakaawa sa mga opisyal ng pamahalaan lalo na kay incoming president Rodrigo Duterte  kaugnay ng planong paggiba sa nasabing ospital.

Nabatid na umabot na sa Davao City ang pagmama-kaawa ng ilang empleyado katuwang ang mga civic groups para ipatigil ang planong paggiba sa Dr. Jose Fabella Memorial hospital sa Sta Cruz, Maynila.

Ayon kay Jocelyn Andamo Convenor, Save Fabella Hospital movement nangako si Duterte na aaksyon kapag opisyal na siyang naupo sa Malacañang.

Sa nakarating na tugon sa kanila, sinabi umano ni  Duterte na hindi umano niya hahayaang “malusaw’’ ang Fabella.

Hindi naman aniya sila tutol sa modernisasyon.  Gayunman, hindi dapat mawala ang libreng serbisyo sa mahihirap at matanggal sa trabaho ang Fabella employees.

Kahapon itinakda ng DOH ang pagbabakante sa ospital  subalit  hindi umano nila ito sinunod  at sa halip ay normal pa rin ang operasyon ng Fabella habang hindi pa tiyak kung kailan ang paggiba sa gusali.

vuukle comment

LEYTE

SEXUAL ABUSE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with