^

Metro

Patayan sa Malabon, patuloy

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tuluy-tuloy ang naitatalang pamamaslang sa lungsod ng Malabon ng mga sa-larin na sakay ng motorsiklo makaraang isang lalaki ang nasawi habang sugatan ang kasamahan nito sa naganap na pamamaril, kamakalawa ng gabi.

Agad na nasawi dahil sa mga tama ng bala sa katawan ang 21-anyos na si Rommel Delijero, ng No. 37-41 Estano St, Brgy. Tugatog, habang nagtamo ng tama ng bala sa kanang hita si Ehfraim Baladhay, 21, ng Block 2 Lot 25 MVP Dulong Hernandez St., Brgy. Catmon, ng naturang lungsod.

Sa inisyal na ulat ng Ma­labon City Police, nagkuku­wentuhan sina Delijero at Baladhay dakong alas-11:16 ng gabi sa may Estano St., nang dumating ang dalawang salarin at pinagba-  baril sila.

Agad na tumakas ang gun­man na umangkas sa motorsiklo na minamaneho ng kanyang kasama sa hin­di mabatid na direksyon. 

T­i­nangka pang isugod sa Paga­mutang Bayan ng Malabon si Delijero ngunit hindi na umabot ng buhay habang nagpapagamot nga­­yon sa Tondo Medical Center si Baladhay.

Narekober ng pulisya sa lugar ng krimen ang tatlong basyo ng bala ng calibre .9mm pistol at isang basyo ng bala ng calibre .45 na baril.

Inaalam na ngayon ng pulisya ang motibo ng pa­mamalasng kabilang ang po­­sibilidad na sigalot sa iligal na droga.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with