^

Metro

Biyenan todas sa AWOL na pulis

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pinaghahanap ngayon ang isang dating pulis makaraang barilin at mapatay nito ang ama ng kanyang live-in partner bunsod ng ka­nilang pagtatalo, kamakalawa ng umaga sa Caloocan City.

Isang manhunt operation ngayon ang ipinag-utos ni Caloocan City Police chief, Sr. Supt. Bartolome Bustamante upang maaresto ang suspek na si Edrick Adrian Armada Soltes, alyas “Dryan”, 28, nadismis na pulis makaraang mag-AWOL (Absent Without Leave), at residente ng Mithi St., Sampalukan, Brgy. 24, ng naturang lungsod.

Nagtamo naman ng maraming tama ng bala sa katawan ang 52-anyos na biktima na si Nestor Macaspac, ng Tuna cor. Talaba Sts., Brgy. 28, ng naturang lungsod.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-9 ng umaga nang magtungo ang biktima sa bahay ni Soltes at kinompronta ito ukol sa nabalitaan na palagiang panggugulpi ng suspek sa kanyang anak na si Roxanne Macaspac.

Sumiklab ang pagtatalo sa pagitan ng dalawa  na nauwi sa suntukan. Natigil lamang ito nang umawat at pumagitna si Roxanne hanggang sa mapakiusapan na umuwi na lamang ang ama.

Ngunit sinundan pala ng suspek ang biktima saka pinagbabaril hanggang sa tuluyan itong masawi.

Mabilis na tumakas naman ang suspek dala ang baril na ginamit habang isinugod ang biktima sa Caloocan City Medical Center kung saan hindi na ito umabot ng buhay.

Narekober sa lugar ng krimen ang apat na basyo ng bala ng calibre .9mm pistol at isa pang live na bala.

vuukle comment

CEBU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with