^

Metro

Obrero todas sa tandem

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Patuloy pa ring naghahasik ng krimen ang mga kriminal na “riding-in-tandem” makaraang pagbabarilin hanggang sa mapatay ang isang obrero, kamakalawa ng gabi sa Valenzuela City.

Dead on the spot dahil sa maraming tama ng bala ang 25-anyos na biktimang si Jonji Torcal, residente ng No. 2531 M. Delos Reyes Street, Brgy. Gen. T. De Leon, ng naturang lungsod. Inilarawan naman ang isa sa dalawang salarin na nasa 5’4” taas, ka­tamtaman ang katawan, nakasuot ng itim na jacket, at naka-helmet.

Sa ulat ng pulisya, naganap ang pamamaril dakong alas-9:48 ng gabi sa tapat ng bahay ng biktima. Nag­huhugas ng plato ang  biktima malapit sa pinto nang sumulpot ang gunman saka walang sabi-sabing pinagbabaril ang biktima.

Agad na tumakas ang sa­larin sakay ng isang motorsiklo na pinaharurot ng naghihintay na kasamahan nito sa hindi mabatid na direksyon.

Rumesponde naman ang mga tauhan ng Police Community Precinct 2 subalit  bigo nang masakote ang mga sa­larin.

Hinihinalang may kaugnayan sa iligal na droga ang pamamaril sa biktima maka­raang marekober ang isang pouch bag na pag-aari nito na may laman na mga tinuping aluminum foil.

Narekober rin sa lugar ng krimen ang tatlong cartridge at isang bala buhat sa hindi pa mabatid na kalibre ng baril.

vuukle comment

SEN. TRILLANES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with