^

Metro

Pedicab driver, binigti habang natutulog

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Wala ng buhay nang matagpuan ang isang pedicab  driver sa loob ng kanyang ipinapasadang sasakyan na hinihinalang binigti ng hindi pa nakikilalang salarin habang natutulog ang biktima, kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Nakilala ang nasawi na si Anthony Dasmariñas, 28, residente ng Block 38, Phase 3, Dagat-Dagatan Avenue, ng naturang lungsod.

Sa ulat ng Caloocan City Police, dakong alas-5:30 ng madaling araw nang madiskubre ang wala ng buhay na biktima ng kanyang nakababatang kapatid na si Marlon nang puntahan niya ito kung saan nakaparada ito sa may kanto ng Lapu-Lapu Extension, at Dagat-Dagatan Avenue, ng naturang lungsod.

Agad na humingi ito ng saklolo sa mga kaanak at isi-nugod sa Pagamutan Bayan ng Malabon ngunit idineklara nang walang buhay.

Sa pagsusuri ng Scene of the Crime Operatives (SOCO), isang malalim na marka sa leeg ang nakita sa bangkay kaya hinihinala na sinakal ito o binigti.

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente habang isinasailalim sa otopsiya ang naturang bangkay.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with