^

Metro

Bebot tinodas sa fish port

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Masusing imbestigasyon ngayon ang isinasagawa ng pulisya laban sa pagpatay sa isang 27 anyos na babae kamakalawa ng gabi sa Navotas Fish Port Compound (NFPC) Palengke St., Brgy. North Bay Boulevard North (NBBN), Navotas City.

Dakong alas-9 ng Miyerkules ng gabi nang barilin sa ulo si Roselle Joy Torres, ng P. Guevarra St., Sta. Cruz, Maynila.

Nabatid na kasama ng biktima ang nobyong si Ro-gene Neldida, 21, at kaibigan na si Marnelli Estacio nang dumating sa palengke sakay ng isang pedicab. 

Mag-isang pumasok ng palengke ang biktima habang may kausap sa cellular phone hanggang sa umalingaw-ngaw ang isang putok ng baril.

Agad na tinungo ni Neldidad ang pinanggalingan ng putok at nakita ang nobya na duguan na nakahandusay sa sahig ng palengke.  Isang basyo ng bala ng kalibre .45 baril ang natagpuan sa lugar ng krimen habang patuloy ang masusing imbestigasyon sa krimen.

Samantala, dakong ala-1:20 kamakalawa ng hapon nang madiskubre ang bangkay ng babae na inilarawan na nasa pagitan ng edad na 30-35 anyos, at may taas na limang talampakan. May mga tattoo na paru-paro na may katagang “Cooper” sa kanang binti at bulaklak sa kaliwang binti.

Ayon kay Arsenio Cruz, 41, maintenance ng San Bar­to­lome Church sa may JP Rizal Ave., Brgy. San Agustin, naglilinis siya ng loob ng naturang simbahan nang madiskubre ang biktima na nakahandusay sa sahig at hindi na humihinga.

Wala namang natagpuang anumang sugat sa katawan ng biktima.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with