^

Metro

Nag-post ng seksing photo sa FB 15-anyos nasermunan, nagbigti

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isang 15-anyos na dalagita ang nagbigti matapos sermunan ng ina dahil sa pagpo-post ng seksing larawan nito sa social media na iniulat kahapon sa Parañaque City.

Isa ng malamig na bangkay nang matagpuan ang biktimang si Hanna Alessandra Villar, estudyante,  taga  San Bartolome St., Seacom Compound, Brgy. San Antonio ng nasabing lungsod.

Batay sa ulat na isinumite kay Sr. Supt. Ariel Andrade, hepe ng Parañaque City Police, alas-4:50 ng hapon nang matagpuang nakabigti ng sinturon ng kanyang kapatid na lalaki.

Dali-daling tinanggal ng kapatid ng biktima ang pagkakapulupot ng sinturon sa leeg nito at isinugod pa ang dalagita sa nasabing ospital ngunit hindi na ito umabot ng buhay.

Napag-alaman sa ina ng biktima na si Cherry Villar na  napagalitan umano niya ang biktima dahil sa pagpo-post umano nito ng kanyang mga seksing larawan sa social media kung saan ay hindi niya  nagustuhan.

Naniniwala ang pamilya ng biktima na walang foul play sa naganap na pagpapakamaty ng dalagita kaya’t pumirma ng waiver ang ina nito na katunayang hindi na isasailalim sa awtopsiya ang nasawi at hindi na ito paiimbestigahan.

 

vuukle comment

WEALTH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with