^

Metro

Taxi driver kritikal sa saksak ng pasaherong holdaper

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nasa kritikal na kondisyon ang isang taxi driver nang pagsasaksakin ng isa sa tatlong holdaper na nagpanggap na mga pasahero, kamakalawa ng gabi sa Valenzuela City.

Nakaratay ngayon sa Valenzuela City Medical Center dahil sa saksak ng patalim sa tagiliran ng katawan ang 25-anyos na si Christopher Simbajon, ng Riverside, Meycauayan, Bulacan. Isinugod ito sa pagamutan ng grab car driver na si Chaelvert Betarmos.

Sa ulat, binabagtas ni Betarmos ang MacArthur Highway sa may Brgy. Karuhatan dakong alas- 9:20 ng gabi nang mapansin ang komosyon sa loob ng nasa unahan niyang puting taxi (UWH-434). Biglang lumabas ang tatlong lalaki at nagsitakbuhan sa direksyon ng North Luzon Expressway (NLEX).

Lumabas rin ang taxi dri­ver na duguan kaya sinaklolohan ni Betarmos at isinugod sa pagamutan. Ayon sa pulisya, nanlaban umano ang tsuper sa mga holdaper kaya ito nasaksak ng kawatan.

Nagsagawa naman ng pursuit operation ang pulisya ngunit bigo na masakote ang mga salarin.

vuukle comment

ACIRC

ANG

AYON

BETARMOS

BIGLANG

BRGY

CHAELVERT BETARMOS

CHRISTOPHER SIMBAJON

NORTH LUZON EXPRESSWAY

VALENZUELA CITY

VALENZUELA CITY MEDICAL CENTER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with