^

Metro

P185 -M shabu nasabat sa drug bust : 2 Tsinoy timbog

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dalawang pinaghihinalaang Filipino- Chinese big time drug traffickers ang nasakote ng pinagsanib na elemento ng PNP-Anti Illegal Drugs Group (PNP-AIDG) at Philip­pine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isinagawang drug bust operation na nag­resulta rin sa pagkaka­samsam sa may P185 milyon halaga ng shabu sa Valenzuela City kahapon.

Kinilala ni PNP-AIDG director Senior Supt. Antonio Gardiola Jr., ang mga nasakoteng suspect na sina Sonny­ Ang, 67 at Benito Tiu­seco, 47.

Bandang alas-8:30 ng umaga ng masakote ng mga ope­ratiba ang dalawang sus­­pect sa harapan ng isang gasoline sta­tion sa kahabaan ng Narciso St. Brgy. La­wang Bato, Valenzuela­ City.

Ang mga suspect ay lulan ng Chevrolet Venture na behikulo nang maaresto ng mga awtoridad sa lugar kung saan nakuha mula sa mga ito ang ilang piraso ng droga habang ang iba pa ay sa isinagawang follow-up operation sa isang bodega sa kahabaan ng East Service Road sa nabanggit ring barangay.

Sinabi ni Gardiola na umaabot sa 37 kilo ng shabu ang na­kumpiska mula sa mga suspect kabilang ang mga nakatago sa 12 heavy duty turret mil­ling machine sa bodega ng mga ito.

Ayon kay Gardiola na ang nasabing milling­ machine ay galing pa sa China.

Isinagawa ang raid sa bisa ng search war­rant ng korte matapos silang makatanggap ng impormasyon hing­gil sa ilegal na ak­ti­­bi­dades ng mga suspect.

Nabatid na ang ba­wat isang kilo ng shabu, ayon pa sa opisyal ay nagkakahalaga ng P5M.

Ayon sa opisyal, ang operasyon ay bahagi ng kampanya ng PNP-AIDG laban sa mga high value target at maging sa mga international drug syndicate na nasa likod ng pagpupuslit ng droga sa bansa.

Kaugnay nito, nagbabala naman si Gardiola laban sa mga mi­yembro at lider ng mga drug syndicates na hindi titigil sa operas­yon ang mga awtori­dad upang maaresto ang mga ito at mapa­nagot sa batas.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ANTONIO GARDIOLA JR.

AYON

BENITO TIU

CHEVROLET VENTURE

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

DRUGS GROUP

GARDIOLA

MGA

SHY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with