^

Metro

Pawnshop, inatake ng Termite Gang, P3-M ng alahas, pera tangay

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Mahigit sa P3 milyong halaga ng mga alahas at pera ang natangay sa isang bahay sanglaan sa lungsod Quezon makaraang pasukin ng grupong “Termite gang” bago pa ang pagtatapos ng taong 2015, ayon sa ulat ng pulisya kahapon.

Sa ulat ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), base sa reklamo ng representante nitong si Delia Mansuco, 57, manager, ang napasok ng grupo ay ang Casqueso pawnshop na matatagpuan sa no. 47 15th Avenue, Ba-rangay Socorro sa lungsod.

Ayon kay PO2 Anthony Tejerero, imbestigador sa kaso, ang pagnanakaw sa nasabing shop ay nadiskubre ng caretaker nito na si Rammy Calanuga, ganap na alas 7:30 nitong Huwebes ng umaga.

Bago ito, sabi ni Mansuco, alas 6:30 ng gabi noong Dec. 30, 2015 ay iniwan umano niyang nakakanda-do ang shop na walang nag­babantay

Sinasabing pagsapit ng nasabing araw, pagpasok ni Calanuga sa shop ay nakita na lang nito sa loob ang isang butas sa sahig na may malalim na hukay at nagkalat din ang mga gamit dito.

Agad na ipinabatid ni Calanuga ang insidente kay Mansuco na nasa isang hardware sa tabi lamang ng shop at mabilis namang nagpunta sa shop kung saan nakita nitong nagkalat ang mga dokumento habang ang safety vault ay nakabukas na rin at nawawala na ang mga alahas na nagkakahalaga ng P3 milyon at cash na halagang P288,288.00 na nakalagay dito.

Sa pagsisiyasat ng pu­lisya, tulad ng dating modus operandi ng Termite gang ay naghukay ng malalim ang mga suspect ilang metro ang layo mula sa isang imburnal para gawing tunnel patungo sa target nilang pawnshop.

At nang masigurong nasa ilalim na sila ng pawnshop ay saka bubutasin ang sahig nito para makapasok bago sisimulan ang paglimas sa lahat ng ari-arian gamit ang dala nilang acetyline, tangke ng gas, hydraulic jack, at steel bar na siyang ginawa sa Casqueso pawnshop.

Sa imbestigasyon ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) narekober sa crime scene ang nasabing mga gamit kabilang ang isang container na may lubid, at isang bag na naglalaman ng perang barya na nagkakahalaga ng P8,000.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ANTHONY TEJERERO

AYON

CALANUGA

CASQUESO

DELIA MANSUCO

MANSUCO

QUEZON CITY POLICE DISTRICT-CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION UNIT

RAMMY CALANUGA

SCENE OF THE CRIME OPERATIVES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with