^

Metro

Vendors, mamimili pinaalalahanan sa pagbebenta, pagbili ng karne

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Mariing binalaan ng pamahalaang lungsod ng Taguig ang lahat ng nagtitinda ng karne  na tanging sa government-accre­dited slaughterhouses at distributors lamang  kumuha ng kanilang paninda kasabay ng babala na mahaharap sa kaukulang kaparusahan ang sinumang magbebenta ng mga kontaminado at double-dead meat, na mas kilala sa tawag na ‘bocha’.

Ayon kay Taguig City Mayor Lani Cayetano, ang pagbe­benta ng ‘hot meat’ ay mas nagi­­ging laganap sa mga panahong sunud-sunod ang mga okasyon at handaan lalu na ngayong Kapaskuhan.

Pinaalalahanan din ng ma­yor ang mga mamimili na suriing mabuti ang bibilhing karne.

Sa mga nagnanais na mag-report o magbigay ng impormasyon hinggil sa bentahan ng ‘bocha’ ay maaaring makipag-ugnayan agad sa City Veterinary Office o barangay leaders na nakasasakop sa kanilang lugar.

Matatandaan, na noong  Nob­yembre 23 ng taong kasalukuyan, pinulong ng City Vete­rinary Office ang mga barangay captain at meat vendors ng lungsod para sa isang orientation seminar hinggil sa food safety na idinaos sa  Bonifacio Global City.

Ang “Orientation on Meat Inspection Service” na ito ay dinaluhan ng 23 barangay leaders at 170 meat vendors kung saan itinuro sa kanila ang food safety o ang tama at ligtas na paraan ng meat product handling­ at iba pa.

Pinayuhan din ng City Vete­rinary Office ang mga mag­­ka­karne tungkol sa tamang pa­raan ng pagtatabi ng mga pa­nindang hindi nabili sa maghapong pag­titinda.

Mahigpit din ang bilin ng pamahalaang lokal sa meat vendors ng Taguig na dapat ay tiyaking sumailalim sa kaukulang inspeksyon ang kanilang itinitinda at binalaan hinggil sa pagbalewala sa patakaran.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BONIFACIO GLOBAL CITY

CITY VETE

CITY VETERINARY OFFICE

MEAT

MEAT INSPECTION SERVICE

MGA

SHY

TAGUIG

TAGUIG CITY MAYOR LANI CAYETANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with