^

Metro

Misis tinarakan ng ka-live-in habang natutulog

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nasa kritikal na kondis-yon ang isang ginang nang saksakin ito ng kanyang kinakasama habang natutulog ang una, kahapon ng madaling araw sa Pasay City.

Ginagamot ngayon sa Pasay City General Hospital (PCGH) ang biktimang si Mary Grace Saut, 35, nakatira sa Setiembre St., Barangay 195, Zone 20 ng naturang lungsod. Nagtamo ito ng ilang saksak sa dibdib at iba pang bahagi ng katawan.

Pinaghahanap naman ng pulisya ang suspek na si Sherwin Rait, 37, nakatira sa nabanggit na lugar.

Lumalabas sa inisyal na report, na natanggap ni Senior  Supt. Joel B. Doria, hepe ng Pasay City Police, naganap ang insidente ala-1:35 kahapon ng madaling araw sa loob ng bahay ng biktima at suspek sa naturang lugar habang natutulog si Saut kung saan kumuha ng patalim si Rait at walang sali-salitang pinagsasaksak ang kinakasama.

Matapos ang pananak­sak ay dali-daling tumakas si Rait at ang bikti­ma naman ay mabilis na isinugod sa nabanggit na ospital ng kanyang mga kaanak.

Patuloy pa rin ang isina­gawang imbestigasyon ng pulisya habang inaalam pa ang motibo sa isinaga­wang pananaksak sa biktima.

vuukle comment

ACIRC

ANG

GINAGAMOT

JOEL B

MARY GRACE SAUT

PASAY CITY

PASAY CITY GENERAL HOSPITAL

PASAY CITY POLICE

RAIT

SETIEMBRE ST.

SHERWIN RAIT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with