^

Metro

Walang inabutang pananghalian, mister dinos-por-dos si misis

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isang ginang ang malubhang nasugatan makaraan umanong paghahatawin ng dos-por-dos ng kanyang lasing na mister na naga­lit dahil sa naubusan ng pa­nanghalian sa lungsod Quezon, kamakalawa.

Sa ulat ng Quezon City Police District Station 6, ang biktima ay kinilalang si Marichu Juancito, 48 ng Sitio Veterans, Brgy. Bagong Pag-asa sa lungsod.

Siya ay nakaratay nga-yon sa East Avenue Medical Center bunga ng mga tinamong injury sa katawan dulot ng pananakit ng asawang si Domingo Juancito, 52, na kusa namang sumuko sa awtoridad matapos ang naturang insidente.

Sa ulat ng pulisya, nangyari ang insidente sa bahay ng mag-asawa, ganap na alas-12:00 ng tanghali.

Bago ito, umuwi umanong lasing ang suspect at nag­hanap ng matatanghalian kung saan inutusan nito ang asawa na ipaghain siya. Subalit, nang sabihin ng ginang na walang ulam at kanin, ay nagalit ang suspect sa una.

Hindi pa nakuntento, kumuha umano ang suspek ng dos -por- dos, saka pinagpapalo ang asawa hanggang  sa mawalan ito ng malay.

Agad namang sumaklolo ang mga kapitbahay ng mag-asawa at isinugod sa naturang ospital ang biktima kung saan ito nilapatan ng lunas.

Sa imbestigasyon, bago ang insidente, lumalabas na halos magdamag na nakipag-inuman si Juancito at nagpasya lamang umuwi ng bahay para mananghalian.

Kasong paglabag sa Womens and Children Act ang ang isinampa laban sa suspect sa Quezon City Prosecutors Office.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BAGONG PAG

BRGY

DOMINGO JUANCITO

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

MARICHU JUANCITO

QUEZON CITY POLICE DISTRICT STATION

QUEZON CITY PROSECUTORS OFFICE

SITIO VETERANS

WOMENS AND CHILDREN ACT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with