^

Metro

Ina ni ‘Pastillas Girl’ itinumba sa Caloocan

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines  — Patay sa pananambang ang ina ni online sensation Angelica Yap o mas kilala sa tawag na “Pastillas Girl” Linggo ng gabi sa lungsod ng Caloocan.

Ayon sa mga ulat, kakain sana ang biktimang si Maria Teresa “Teteng” Yap sa isang carinderia nang bigla siya paputukan ng hindi pa nakikilalang suspek.

Nagtamo ng tama ng bala sa likod ng ulo ang 43-anyos na biktima na naisugod pa sa Chinese General Hospital ngunit kalaunan ay binawian din siya ng buhay ganap na 9:20 ng gabi.

Ilang beses na rin umano nakatatanggap ng mga death threat ang biktima na naninilbihan din bilang barangay kagawad.

Nakasaad sa mga mensahe na itutumba siya bago magpasko, ngunit hindi ito pinapansin ng biktima.

Nakita sa closed-circuit television camera ng Barangay 131 ang insidente ngunit hindi naaninag ang suspek na nakasumbrero.

Inaalam pa naman ang motibo sa likod ng krimen.

Naging bahagi ng noontime show ng ABS-CBN na “It’s Showtime” si Pastillas Girl kung saan lumabas din ang kaniyang ina para ipagtanggol siya sa mga kritiko.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ANGELICA YAP

AYON

CALOOCAN

CHINESE GENERAL HOSPITAL

ILANG

INAALAM

LINGGO

MARIA TERESA

PASTILLAS GIRL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with