^

Metro

Tsuper nag-bomb joke sa LRT, kalaboso

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isang tsuper ang ina­resto matapos itong magbiro na may bomba ang kanyang dalang bag dahilan upang mag-panic ang mga pasahero sa istasyon ng Light Rail Transit (LRT) 1 sa Pasay City kahapon ng umaga.

Nasa custody nga-yon ng Pasay City Police ang suspek na si Rudy Gaid Jr., 35, may asawa, nakatira sa #5527-B, panulukan ng Dallas at Binay Sts., Bgy. Bangkal, Makati City.

Ayon kay Police Sr. Supt. Joel B. Doria, hepe ng Pasay City Police, naganap ang insidente alas-6:05 ng umaga sa EDSA station Line-1 sa naturang lungsod.

Nabatid kay Jenesa Pradilla, lady guard na umaresto sa suspek, habang siya ay naka-duty sa EDSA station at nagpapatrulya, dumaan si Gaid na may dalang bag.

Sandaling nagsisigaw ang lalaki na may lamang bomba ang kanyang bag kaya nagtakbuhan ang mga pasahero ng LRT dahil sa takot.

Subalit, nalamang nagbibiro lamang ang suspek kaya’t dinakip ito ni Pradilla hanggang sa dinala ito sa himpilan ng pulisya at nakatakdang sampahan ng kaso.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BINAY STS

JENESA PRADILLA

JOEL B

LIGHT RAIL TRANSIT

MAKATI CITY

PASAY CITY

PASAY CITY POLICE

POLICE SR. SUPT

RUDY GAID JR.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with