^

Metro

Mag-ingat sa pagkalat ng pekeng pera - Isko

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pinag-iingat ngayon ni Manila Vice Mayor Isko Moreno ang publiko mula sa ibinebentang pekeng pera sa Maynila.

Ang paalala ni Moreno ay kasunod ng pagkaka-aresto sa isang dating Overseas Filipino Worker (OFW) na si Radiya Paglala Datugan, 30, tubong Maguindanao at residente ng  507 Block 1, Dubai, Brgy. 649 sa  Baseco Compound, Port Area, Manila, na naaktuhang nagbebenta ng pekeng peso bills, sa Sta. Cruz, Manila noong Biyernes.

Ayon kay Moreno, nga­yong panahon naman ng kapaskuhan ang pag­ha­handaan ng publiko, hindi malayong marami ding indibiduwal ang  magsamantala.

Payo din ni Moreno, mas makabubuting pag-aralan ng publiko ang pagkilatis sa pera upang hindi maloko.

Bagama’t maraming pulis ang nakakalat sa iba’t ibang lugar sa Maynila, mas makabubuti pa ring mag-ingat ang mga  mamimili at dadagsa sa iba’t ibang pampublikong pamilihan.

Nanawagan din si Moreno sa mga may nalalamang nagssagawa ng iligal na o­perasyon tulad nito na agad na makipag-ugnayan sa pulisya upang agad na madakip at hindi na makapangloko pa ng sinuman.

Nabatid na umaabot sa P4,000 pekeng pera ang nakuha sa pag-iingat ni Datugan na may denomination na  P1,000 ; P500 ; 200 at P50.

vuukle comment

ACIRC

ANG

AYON

BASECO COMPOUND

MAYNILA

MORENO

NBSP

OVERSEAS FILIPINO WORKER

PORT AREA

RADIYA PAGLALA DATUGAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with