^

Metro

Parak na nanutok ng baril, nagpahanap pa ng shabu, tugis

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pinaghahanap na ngayon ng mga awtoridad ang isang pulis Maynila na umano’y sangkot sa panunutok ng baril na nag-utos pa sa mga tambay na maghanap ng shabu sa lungsod ng Maynila, kamakailan.

Kinilala ang suspek na si PO2 Manuel Fuentes na nagpakilalang miyembro ng Manila Police District (MPD) Station 2. Sinabi ni PNP chief Director General Ricardo Mar­quez na AWOL ang status ni Fuentes.

“He’s on AWOL since September 16. He’s now being hunted. A team was dispatched to hunt him down”, pahayag ni Marquez nang matanong sa kaso ng abusadong parak.

Sa katunayan, ayon pa kay Marquez ay isinasailalim na sa proseso ng summary dismissal proceedings si Fuentes kaugnay ng ibat-ibang kasong kinasangkutan nito. Lumilitaw naman na sang­kot sa patung-patong na kasong kriminal si Fuentes kabilang rito ang illegal possession of drugs.

Nabatid na noong Oktubre 9, bandang alas-12 ng tanghali ay nasangkot sa panunutok ng baril sa isang tambay na si Oscar Milencio ang suspek matapos na tumanggi ang biktima na umano’y iha­nap ito ng shabu na naganap sa Brgy. 232, Zone 21, Tondo, Maynila.

Maging ang umaawat ditong brgy. tanod ay pinagbalingang takutin ni Fuen­tes. Sa beripikasyon sa MPD Station 2, nabatid na hindi na umano rito naka-duty ang suspek na pansamantala lamang umanong natalaga sa nasabing himpilan.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BRGY

DIRECTOR GENERAL RICARDO MAR

FUEN

FUENTES

MANILA POLICE DISTRICT

MANUEL FUENTES

MARQUEZ

MAYNILA

OSCAR MILENCIO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with