^

Metro

Nagtangkang mangholdap sa pamilya ng DZMM anchor, timbog

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Naaresto na ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) ang riding in tandem suspects sa bigong panghoholdap sa pamilya ni DZMM Anchorman David Oro sa lungsod kamakailan.

Kinilala ni QCPD Director Chief Supt. Edgardo Tinio ang mga suspect na sina Zaldy Roda, 29, tricycle driver at Efren Cardeño, 26, tricycle driver at kapwa  mga residente sa Ilagan St., Brgy. Paltok, San Francisco Del Monte, Quezon City.

Ayon kay Tinio, ang mga suspect ay naaresto ng tropa ni Chief Inspector Rodel Marcelo, hepe ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) at ng Masam­bong Police Station sa pa-ngunguna ni Police Supe-rintendent Christian Dela Cruz matapos ang walang humpay na follow-up ope­ration na ginawa laban sa mga ito.

Sa ulat, ganap na alas- 4:45 ng hapon ng madakip ng mga tropa ang mga suspect habang ang mga ito ay aktong naglalaro ng sugal na cara y cruz sa kahabaan ng Ilagan St., Brgy. Paltok.

Bago ito, isang concerned citizen ang nagtimbre sa mga awtoridad hingil sa kinaroroonan ng mga suspect matapos na maipakalat ang larawan ng mga ito. Dahil dito, kung kaya agad na kumilos ang CIDU at PS2 at tinungo ang lugar kung saan natimbog ang mga suspect.

Nakumpiska din sa mga suspect ang dalawang piraso ng plastic sachets na naglalaman ng shabu at isang homemade (paltik) cal.38 revolver na may tatlong bala na nasa pangangalaga ni Roda.

Sa himpilan ng Masambong Police Station (PS-2), ay positibong kinilala ang suspect na si Roda na siyang nagtangkang  manghablot sa  handbag ni Hazel Oro, misis ni David Oro.

Maalalang papasok na ang mag asawang Oro sa loob ng bahay nila sa Brgy. Paltok ganap na alas-11:20 ng gabi noong September 21, 2015 nang isa sa dalawang suspect na nakamotorsiklo ay bumaba at tinangkang hablutin ang bag ni Hazel. Pero nanlaban si Hazel sa suspect at nagsisigaw ito ng saklolo dahilan para maalarma ang huli at iwan siya nito na walang nadalang anuman.

vuukle comment

ACIRC

ANCHORMAN DAVID ORO

ANG

BRGY

CHIEF INSPECTOR RODEL MARCELO

CHRISTIAN DELA CRUZ

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION UNIT

ILAGAN ST.

MGA

PALTOK

SUSPECT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with