^

Metro

Produktong nagtataglay ng nakalalasong kemikal bawal na sa Maynila

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Naniniwala si Manila 1st  District Councilor Numero Lim na   mas dapat na maipasa agad ang  ordinansa na naglalayong ipagbawal na  ang  pagbebenta ng mga  produktong nagtataglay ng mga nakalalasong  kemikal.

Isinumite ni Lim ang  draft ordinance number 7709 na  “Prohibiting the sale of unregistered products containing hazardous substances specifically toxic cyperthrine, oxalic acid, toxic lead with  territorial jurisdiction of the  City of Manila and providing penalties for  violation thereof”.

Ayon kay Lim, maliwanag sa  advisory ng  Food and Drugs Administration (FDA) na  ang mga  nasabing kemikal ay hindi lumusot sa  ‘safety  and efficacy assessment”  at delikado   sa kalusugan  ng  tao at mga hayop.

Giit ni Lim, isa-isa nang nagsusulputan  sa ilang  pamilihan ang  lantarang bentahan ng mga  nakalalasong kemikal partikular sa Divisoria at Quiapo bukod pa sa Baclaran.

Kailangan aniyang  big­yan pansin ng  city government ang  report ng  National Poison  Management and Control Center na ang mga nabanggit na kemikal ay magdudulot ng sakit ng tiyan, pagsusuka, pagkahilo at pagtatae.

Paliwanag  ni Lim, umaasa siyang agad na maipapasa ang  ordinansa kung saan mapapatawan ng kaukulang parusa ang mga may-ari ng establisimyento na magbebenta ng mga hazardous substance.

Posibleng   makulong ang may-ari ng tindahan  kasabay ng pagpapasara ng kanyang  establisimyento kung mahuhuling lumalabag sa ordinansa.

vuukle comment

ACIRC

ANG

AYON

BACLARAN

CITY OF MANILA

DISTRICT COUNCILOR NUMERO LIM

DRUGS ADMINISTRATION

MANAGEMENT AND CONTROL CENTER

MGA

NATIONAL POISON

NBSP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with