^

Metro

Retired police tugis sa pagpatay sa ka-live in

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tugis ngayon ang isang retiradong pulis nang pagba­barilin at mapatay ang kanyang kinakasama sa gitna ng kanilang pagtatalo, kahapon ng madaling-araw sa Caloocan City.

Kinilala  ni Caloocan City Police Chief, Senior Supt. Bar­tolome Bustamante ang suspek na si Tito Cabuatan, 54, retiradong pulis na dating nakatalaga sa Caloocan Police.

Nakilala naman ang nasawi na si Catherine Agudo, 27, tubong Esperanza, Masbate at nakatira sa Block 1-A Lot 30 Phase 3 Brgy. 14 Kaunlaran Village, Caloocan.

Sa inisyal na ulat, naganap ang krimen dakong ala-1:10 ng madaling-araw sa ikalawang palapag ng bahay na inuupahang bahay  ng biktima. Ayon sa saksing si Sarha Agudo, kapatid ng biktima, nagising siya sa maingay na pagtatalo ng kanyang nakababatang kapatid at si Cabuatan.

Dito siya nakarinig ng dalawang sunod na putok ng baril hanggang sa makasalubong niya ang suspek sa hagdan paakyat sa ikalawang palapag. Dito siya sinabihan umano ng suspek na,”pinatay ko na ang kapatid mo, pagbabarilin ko kayo!”

Sa takot, agad na nagtatakbo si Sarha habang mabilis na tumakas ang retiradong pulis dala ang baril na ginamit sa krimen.

Patuloy ngayon ang imbestigasyon ng pulisya sa insi-dente.

vuukle comment

A LOT

ACIRC

ANG

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY POLICE CHIEF

CALOOCAN POLICE

CATHERINE AGUDO

DITO

KAUNLARAN VILLAGE

SARHA AGUDO

SENIOR SUPT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with