^

Metro

Mister, pinagtirik ng kandila ang sarili bago nag-suicide

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
�This fight is just beginning.�
Hillary Clinton greets attendees during a primary night event in Manchester, N.H., Feb. 8, 2016.
Jose

MANILA, Philippines - Isang mister ang nagtirik muna ng kandila para sa kanyang sarili bago nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbigti sa sarili sa loob ng kanilang tahanan sa Pasig City kahapon ng madaling araw.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Ernesto Calderon, 46, may-asawa, ng F. Banaag St., Bgy. Pineda sa lungsod.

Sa imbestigasyon ni PO2 Higino Dancel, ng Station Investigation Detection Ma­nagement Branch (SIDMB)  nadiskubre ang bangkay ng biktima dakong alas-12:30 ng madaling araw ng misis nito na si Julieta, 40, negos­yante at ng kanilang anak na si Yusha­vel Julieth,17 na nakabigti ng nylon cord na nakatali sa grills ng bintana.

Ayon kay Julieta, may nilakad sila ng kanyang anak at pagbalik nila sa kanilang tahanan ay napansin nilang may kakaiba sa loob ng bahay dahil naka-locked ang mga pintuan at wala rin ilaw. Sa kabila ng kanilang pagkatok at walang sumasagot ay binuksan na ito sa pama­magitan ng duplicate key.

Pagpasok sa loob ay binuksan ng mag-ina ang mga  ilaw pero hindi gumana at kanilang naaninag ang kandilang nakasindi sa ikalawang palapag. Pag-akyat ng mag-ina ay doon nila nakita ang biktima na nakabigti at wala ng buhay malapit sa nakasinding kandila.

Nagsasagawa ngayon ng imbestigasyon ang pulisya kung ano ang nagtulak sa biktima para kitilin nito ang kanyang buhay bagamat ina­min ng misis nito na una na ring nagtangkang magpakamatay ang biktima noong nakaraang Enero.

Samantala,nag-suicide rin  si Lolito Siong, 35, ng no. 752 Metrica St. Sampaloc, sa pamamagitan ng paglaslas ng sariling pulso gamit ang shaver.

Hindi na naisalba sa Ospital ng Sampaloc ang biktimang si Siong ayon kay SPO1 Charles Duran ng Manila Police District-Homicide Section, nang dalhin ito dakong alas 7:30 ng gabi ng Sabado. Laslas sa kaliwang pulso ang nakita sa biktima na naging sanhi ng kamatayan.

Nabatid na maliligo umano ang biktima at inutusan nito ang anak  na  si Jun-jun, 14-anyos na iabot sa kaniya ang shaver bago ito pumasok sa banyo.

Lumabas muna ng bahay ang anak at nagbalik din ito, hindi nagtagal ay nakita ang ama na nakahandusay sa banyo at duguan kaya ipinabatid agad sa ina na si Sarah na nagsugod naman sa pagamutan kung saan hindi na umabot ng buhay. 

Pinaniniwalaang depression dahil sa sakit sa kidney at puso ang nagtulak sa biktima  para pagpapatiwakal. (Ludy Bermudo)

 

vuukle comment

ACIRC

AMERICAN ELECTIONS

ANG

BANAAG ST.

BIKTIMA

CHARLES DURAN

ERNESTO CALDERON

HIGINO DANCEL

JULIETA

LOLITO SIONG

LUDY BERMUDO

NBSP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with