^

Metro

Target na anak ’di natagpuan, ama pinagbabaril

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nasa kritikal na kondisyon ang isang 44-anyos na ama makaraang pagbabarilin ng dalawang hindi pa nakikilalang lalaki nang tumangging ituro nito ang kinaroroonan ng kanyang anak na  hinahanap ng mga suspek sa Pasig City, kahapon ng madaling-araw.

Ang biktima ay ginagamot ngayon sa Rizal Medical Center sanhi ng tinamong tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan ay nakilalang si Larry Colase, fruit vendor, ng E. Santos St., Brgy. Palatiw, sa lungsod.

Sa imbestigasyon ng pulisya, nabatid na ang insidente ay naganap dakong ala-1:00 ng madaling-araw sa loob ng bahay ng biktima.

Kasalukuyang natutulog ang biktima nang magising dahil sapilitang pumasok sa kanyang bahay ang dalawang armadong  suspek at hinahanap ang kanyang anak na si Miguel Colase. Nang tumanggi ang biktima na ituro kung nasaan ang kanyang anak ay siya mismo ang pinagdiskitahang pagbabarilin ng mga suspect.

Sa kabila ng mga tama ng bala sa katawan ay nagawa pang makatakbo at makalabas ng tahanan at humingi ng saklolo sa ilang kapitbahay ang biktima na siyang nagsugod dito sa pagamutan.

vuukle comment

BIKTIMA

BRGY

KASALUKUYANG

LARRY COLASE

MIGUEL COLASE

NANG

PALATIW

PASIG CITY

RIZAL MEDICAL CENTER

SANTOS ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with