^

Metro

Labis na kalungkutan, mister nagpatiwakal

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Dala ng labis na kalungkutan matapos hiwalayan ng kanyang misis, isang mister ang nagpatiwakal kahapon ng umaga sa Pasay City.

Isa ng malamig na bangkay nang matagpuan ang biktimang si Gilbert Marahay, 22, dating kawani sa NAIA, residente ng #393 Matulungin St., Zone 19, Bgy. 181 ng naturang lungsod matapos itong magbigti ng cord looped.

Ayon sa natanggap na report ni Police Sr. Supt. Sidney Hernia, Officer-In-Charge (OIC) ng Pasay City Police, base sa nakalap na impormasyon mula sa pinsan ng biktima na si Francisco Solis, 24, alas-8 ng umaga nang matagpuan niya ang biktima na nakabigti sa loob ng kuwarto nito.

Bago ang pagpapatiwakal, alas-11:00 kama­kalawa ng gabi, narinig ni Solis, na kausap ng biktima ang misis nito sa cellphone na nakikipagtalo at kinabukasan nga ay nakabigti na ito.

Bunsod nito itinawag kaagad ni Solis  sa mga kaanak nito ang sinapit ng kanyang pinsan, na mabilis namang ini-report sa pulisya ang insidente.

Nalaman, na hiniwalayan ang biktima ng kanyang misis at kasama ang kanilang anak, kung saan hindi ito matanggap ng una.

Ito ang nakasaad sa suicide note na nakuha mula sa biktima, “hindi ko na alam ang ginagawa ko sana naman kung may nagawa ako na mali sa inyo patawarin nyo sana ako mahal na mahal ko anak ko tama na pakiusap”.

vuukle comment

AYON

BGY

FRANCISCO SOLIS

GILBERT MARAHAY

MATULUNGIN ST.

PASAY CITY

PASAY CITY POLICE

POLICE SR. SUPT

SIDNEY HERNIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with