^

Metro

Shabu ginamit na taya, 2 kelot, kalaboso sa cara y cruz

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Dalawang lalaki ang inaresto ng mga awtoridad matapos na mabuking na shabu ang ginagamit na pantaya sa pagsusugal ng cara y cruz sa Marikina City kamakalawa ng gabi.

Inaresto ng mga tauhan ng Marikina City Police ang mga suspek na sina Eduardo Jocson, 36, at Oscar Abrera, 42, kapwa residente ng Concepcion Uno, Marikina City.

Batay sa ulat na natanggap ni Senior Supt. Vincent Calanoga, hepe ng Marikina City Police, nabatid na ang mga suspek ay naaresto dakong alas-6:00 ng gabi sa Shoe Avenue, Brgy.Concepcion Uno, sa Marikina City.

Nagsusugal ng cara y cruz ang mga suspek na ang gina­gamit na pantaya ay shabu kaya’t inaresto sila ng mga pulis, na una nang nakatanggap ng tip hinggil dito.

Narekober ng mga pulis mula sa mga suspek ang limang piraso ng heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng puting pulbos na hinalang shabu, isang pakete ng bukas na transparent plastic sachet, lighter, at P470 na cash.

Sinampahan na ng kaukulang kaso ang mga suspek, na kasalukuyan na ring nakadetine.

vuukle comment

CONCEPCION UNO

EDUARDO JOCSON

MARIKINA CITY

MARIKINA CITY POLICE

OSCAR ABRERA

SENIOR SUPT

SHOE AVENUE

VINCENT CALANOGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with