^

Metro

Erap kay Noli: Hinahanapan kami ng butas

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Iginiit ni Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada na ginagawa nila ang kanilang trabaho sa lungod, kabilang ang pagdidisiplina sa mga ambulant vendors na sinabi ng isang broadcaster na nakasasagabal sa prusisyon ng Itim na Nazareno.

Sinabi ni Estrada na sa dami ng dumaragsang tao sa pista ng Nazareno ay hindi maiiwasan na hindi madisiplina ang mga tindero sa kalsada.

"Hindi mo naman madidisplina kahit yung mga vendors na 'yan eh, dahil sa dami ng tao, hindi mo na maaasikaso 'yon." wika ni Estrada sa isang panayam sa radyo.

Napag-usapan ang pagdidisiplina sa mga ambulant vendor matapos sabihin ni ABS-CBN broadcaster Noli De Castro sa “TV Patrol” na nagdadala ng panganib at abala sa prusisyon ang mga ito.

"Maliit na bagay, hahanapan niya kami ng butas," tugon ni Estrada sa mga komento ni De Castro.

Sinabi pa ni Estrada na mahirap din pagbawalan ang mga nagtitinda na nais lamang kumita.

"You also have to understand the situation of the poor. Siya naman galing doon, dapat naiintindihan niya," ani ng dating Pangulo.

"Lagi kong sinasabi, hungry stomach knows no law. Dapat niyang malaman iyon.”

vuukle comment

DAPAT

DE CASTRO

ERAP

IGINIIT

MANILA MAYOR JOSEPH

NAZARENO

NOLI DE CASTRO

SINABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with