^

Metro

Pumaslang sa ka-live-in at apo, arestado

Joy Cantos at Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Matapos ang pitong taong pagtatago sa batas, nadakip ng mga ope­ratiba ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang isang most wanted na pumatay sa kanyang  live-in partner at 6-anyos na apong lalaki sa isinagawang operasyon sa Navotas Fishport, Navotas City kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni PNP-CIDG Chief P/Director Benjamin Magalong ang nasakoteng suspect na si Roy Fuentes.

Si Fuentes ay nadakip ng mga awtoridad dakong alas-5:40 ng hapon   sa pinagtataguan nito sa nabanggit na lugar.

Inihayag ni Magalong na ang suspect ay ina­resto sa bisa ng warrant of arrest sa kasong 2 counts ng murder na inisyu ng Regional Trial Court, Branch 40 sa lungsod ng Maynila noong 2012.

Sa tala ng PNP-CIDG si Fuentes ay sangkot sa pagpatay sa live-in partner nitong si Delia Ga­judo at apong si Timothy Gajudo; kapwa brutal na pinagsasaksak ng suspect noong Agosto 2007 sa C.P. Garcia, Moriones, Tondo, Manila.

Base sa record si Fuentes ay humihingi ng pera sa live-in partner nitong si Delia na tumanggi naman itong bigyan dahil  sa bisyo ng suspect na nauwi sa mainitang pagtatalo. Sinabi ng anak ni Gajudo na interesado lamang ang suspect sa pera ng kaniyang ina kaya nakipag-live-in dito.

Magugunita na ang kaso ay isinampa lamang noong 2011 matapos na lumutang ang isang kapitbahay ng biktimang si Delia upang tumestigo.

Nasamsam naman mula sa suspect ang isang cal. 38 revolver at anim na bala.

Idinagdag pa ng opis­yal na ang suspect ay mahaharap rin sa karagdagang kasong Republic Act 10591 (Comprehensive Law on Firearms and Ammunition).

vuukle comment

CHIEF P

COMPREHENSIVE LAW

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

DELIA

DELIA GA

DIRECTOR BENJAMIN MAGALONG

FIREARMS AND AMMUNITION

FUENTES

NAVOTAS CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with