^

Metro

Erap sa Manilenyo: ‘Konting tiis na lang’

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Umapela si  Manila Mayor Joseph Estrada sa Manilenyo na maglaan pa ng konting pagtitiis kung saan sinabi nito na malapit nang makabangon ang lungsod.

Ang apela ni Estrada ay kasabay ng kanyang katiyakan na mababayaran na ang utang ng city government sa mga private companies at maging sa mga empleyado.

Sinabi ni Estrada na maliit na lamang ang utang ng lungsod kaya’t  humihingi  pa siya ng konting pasensiya at unawa sa mga Manilenyo.

Target ng alkalde na maging ‘debt free’ ang Maynila bago matapos ang 2015. Aniya, ang konting pagtitiis ay kaginhawaan naman sa mga susunod na taon.

Ayon kay Estrada, pinag-aaralan pa ng city government ang iba pang paraan upang makalikom ng pera at pambayad sa mga utang.

Samantala, plano din ng alkalde na mabawasan ang unemployment rate sa Maynila upang maibaba na naman ang crime rate. Lumilitaw na ang kawalan ng trabaho ang isa sa mga dahilan ng iba’t ibang insidente ng pagnanakaw, snatching at hold-up.

 

vuukle comment

ANIYA

AYON

LUMILITAW

MANILA MAYOR JOSEPH ESTRADA

MANILENYO

MAYNILA

SAMANTALA

SINABI

UMAPELA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with