^

Metro

Traffic enforcer ng MMDA gulpi-sarado sa driver ng sports car

Ricky Tulipat at Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Gulpi-sarado at kinaladkad pa ang traffic constable ng Metro Manila Development Authority (MMDA) makaraang sitahin nito ang isang driver ng sports car na lumabag sa batas trapiko sa Quezon City  kahapon ng umaga.

Sa inisyal na ulat ng Quezon City Police Traffic Sector 4, ang biktima na duguang isinugod sa ospital ay kinilalang si Jorby Adriatico na nagtamo ng sugat sa ilong bunga ng pananapak na ginawa ng suspect na si Joseph Russel Ingco na lulan ng Marshal Maserati na walang plaka sa panulukan ng Arane­ta Avenue at Quezon Avenue.

Nabatid na nagma­mando ng trapiko si Adriatico kasama si Rodolfo Fernandez nang mamataan ang sports car na mula sa Del Monte­ na kumaliwa sa Ara­neta Avenue.

Dahil ipinagbabawal ang mag-U-turn ay kinunan ng litrato ni Adriatico para maging ibidensya pero minasama ito ni Ingco at nag-dirty finger pa sa kanya ito.

Gayon pa man, mu­ling nag-U-turn ang suspect sa intersection saka huminto malapit kay Adriatico.

Nagpasyang lapitan ni Adriatico ang motorista saka pinakiusapang ulitin ang ginawang pag-dirty finger sa kanya subalit biglang hinablot ni Ingco ang uniporme ng biktima sabay na pinaandar ang sasakyan.

Habang kaladkad ay sinusuntok ni Ingco si Adriatico saka binitiwan pagsapit sa Scout Chuatoco. Pero bago tuluyang umalis ang motorista ay inihagis ang damit sa enforcer para pamunas sa umaagos na dugo sa kanyang mukha.

Kasalukuyang pinag­hahanap ng pulisya ka­tuwang ang mga enforcer ng MMDA ang suspek.

 

vuukle comment

ADRIATICO

DEL MONTE

INGCO

JORBY ADRIATICO

JOSEPH RUSSEL INGCO

MARSHAL MASERATI

METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

QUEZON AVENUE

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with