^

Metro

Sumadsad na tren ng MRT, naialis na sa EDSA

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagdulot  nang matinding pagsisikip ng daloy ng trapiko kamakalawa ng gabi  ang ginawang pangtanggal sa train ng Metro Rail Transit (MRT) matapos itong madiskaril at bumangga mismo sa istasyon nito sa Taft-EDSA Avenue sa Pasay City noong Miyerkules ng hapon na ikinasugat ng 40 pasahero.

Ayon kay Light Rail Transit Authority (LRTA) at MRT  Spokesperson Atty. Hernando Cabrera,  alas-11:30 ng gabi nang maialis ang naturang train.

Halos dalawang oras aniya  na tumagal ang pag-alis nito  na kung saan inihiwalay  at isinakay sa truck  ang dalawang bagon na nasa dulo habang hinila at pinadaan sa riles ang isa pang nasa bandang unahan dahil hindi naman sira ang mga gulong nito. Sinabi nito, na  dalawang crane ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Flood Control ang nagtulong upang maiangat ang bumanggang bagon.

Dahil sa matinding pagsisikip ng daloy ng trapiko ang naturang lugar, kung kaya’t humingi  ng paumanhin si Cabrera sa mga motorista dahil sa hindi pinadaanan ng halos 20 minuto  ang  EDSA-Taft Avenue para bigyang-daan ang clearing operation nito.

Matapos  maialis ang bagon at agad itong dinala sa MRT depot sa North Avenue, Quezon City.

Sinabi pa ni Cabrera na itinuloy na rin kahapon ang pagkakabit ng bagong stopper sa dulo ng riles na kung saan bumangga ang nasabing train.Ang dalawang operator ng MRT ay patuloy na inimbestigahan ng Pasay City Police.

vuukle comment

CABRERA

FLOOD CONTROL

HERNANDO CABRERA

LIGHT RAIL TRANSIT AUTHORITY

METRO RAIL TRANSIT

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

NORTH AVENUE

PASAY CITY

PASAY CITY POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with