^

Metro

Dahil sa nakitang bitak Gusali sa 2 paaralan sa Pasay, hindi pinagamit

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dahil sa panganib na posibleng idulot, hindi muna ipinagamit ng Engineering Office ng Pasay City Hall ang apat na gusali kabilang ang dalawang paaralan dahil nakitaan ng bitak ang sahig nito dahilan upang maapektuhan ang klase ng mga mag-aaral dito.

Nabatid na apektado  ang klase ng mga estud­yante sa Villamor Airbase Elementary School at ang katabi nitong Pasay South High School ng naturang lungsod.

Habang wala pang magamit na silid, simula pa noong Lunes, napag-alaman na   nasa alternative delivery mode muna ang mga mag-aaral ng Villamor Airbase Elementary School na ang ibig  sabihin sa bahay muna mag-aaral ang mga ito.

Namahagi ng mo­dules ang pamunuan ng naturang  paaralan para sa mga aralin ng mga mag-aaral nito.

Samantala, ang Pasay South High School naman ay magkakaroon ng online classes para sa kanilang mga estudyante.

Nabatid pa sa pamu­nuan ng Villamor Airbase Elementary School, base  sa assessment ng Pasay City Hall Engineering Office at ng Department of Education (DepEd), ka­ilangan nang  bakantehin ang Building A at Building B dahil mahina na ang gusali matapos itong makitaan ng bitak sa sahig­.

Matatandaan, na noong taong 2007 lamang nang maitayo ang mga gusali na may tig-limang palapag at tig-31 classroom at gayundin sa Pasay City South High School na mayroon namang tig-tatlong palapag.

Bilang alternatibong solution, nagtatayo muna ng makeshift classrooms sa tapat ng nabanggit na mga paaralan at  matatapos ito  sa loob ng 20 araw kung saan dito muna magkaklase ang mga mag-aaral habang isinagawa ang rehabilitasyon ng mga gusali.

vuukle comment

BUILDING A

BUILDING B

DEPARTMENT OF EDUCATION

ENGINEERING OFFICE

NABATID

PASAY SOUTH HIGH SCHOOL

VILLAMOR AIRBASE ELEMENTARY SCHOOL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with